Monday, June 21, 2010

Hula ng Klase: Sya Pala 'Yun?!

Unti- unti nang umaangat ang venecian blinds sa kwarto ko. Senyales iyon na kainlangan ko nang bumangon dahil ito ang araw na magle-leave ako for one month para dalawin ang mama ko sa Pilipinas. Aba! Ilang taon na ‘kong hindi nakakauwi doon ha, simula pa lang noong pagka-graduate ko nung college!
Bumaba na ‘ko sa living room at nakitang nagkakagulo at natataranta na naman ang mga maids ko dahil alam nilang gising na ako, “anong meron? May fiesta?” sanay na silang naririnig akong magsalita ng Tagalog. Kabisado na rin nila kung ano ang ibig sabihin nun dahil sa araw-araw ba naman na ginawa ng diyos eh nagmistulang routine ang gayong pangyayari.
Dahil kahit Marso na eh parang Winter season pa rin ditto, pinabuksan k okay Edimae ang heater. Oo, si EDIMAE JARQUIO nga. Siya ang mayor doma ko ditto sa mansion ko at sumesweldo siya ng $10,000 kada buwan at hindi naman na siya nagrereklamo tungkol doon.
“edimae naman kase?! Sabi ko sayo dalhin mo na rin ditto yung bespren mo eh! Yung klasmeyt ko dati nung grade 5? Ugh! I forgot her name, yung dating beauty queen?!”
“si Maan!” sagot niya.
“ay oo, si Maan! Si MARJORIE ANN RAMORES! Kabisado ko pa noh?! Galing!” sabay palakpak.
“’tong taong to, Geneva naman, ilang taon ka na, R.N. ka na ganyan pa rin ugali mo?”
“syempre! Hindi pa ‘ko grown-up! Ha-ha-ha”
Umalis na lang si Edimae dahil nagsisismula nang maging high ang amo niya.
“nga pala Edimae, magle-leave ako for one month ah.pupuntahan ko yung mama ko sa ‘pinas, namimiss ko na siya eh. Titignan ko rin yung casino royale naming kung matino pa ba.”
“eh ma’am, pano nga pala yung mga paparzzing naghihintay dyan sa labas?hindi nga ‘ko makatulog kagabi eh! Pano, dun sa labas ng kwarto ko naglagay ng hagdan para mapicturan ka dun sa taas. Flash ng flash yung ilaw eh!” iritadong sabi ni Edimae.
“ihanda mo yung underground elevator natin..
“hala!!! Anong oras na! baka naghihintay na ang Dr. House ng buhay ko!”
Sa paningin ni Edimae, may mga harts harts na na lumilipad sa paligid ko.
Sinet nya na yung elevator. Walang kaalam-alam yung mga paparazzing nasa labas na wala na akoa sa loob ng bahay naming. Gotcha!
Habang umaandar ang elevator, nakasabay ko pa si Stefani Joanne=> hindi niyo siya kilala noh?! Siya yung kumanta ng Just Dance, Poker Face at Bad Romance. Oo, si Lady Gaga nga. Tuwing papasok ako sa ospital eh lagi ko siyang nakakasabay, at dahil dun, naging magka-close kami. Libre pa ang tugtog sa loob ng elevator! Yun nga lang, kung tatalikod ka sa pintuan at pumasok siya bigla, humarap ka! Bigla kang magugulat sa iba’t ibang costume niya. Weird pa rin siya. Noong araw na iyo ay papunta siya ng Kodak Theatre at ako naman sa Cedars Sinai.
2
“Good morning ma’am!” sabi ng mga nurse doon. Sinuot ko agad ang uniform ko at mask ko. Paparating na ang mga paparazzi!!
Hinanap ko ang beloved Dr. House ko sa pasilyo. Yes! Wala siya dun! Siguradong nasa office siya, salamat at masosolo ko na rin siya!
Panasa ko na yung letter ko ng pagle-leave at habang nakatingin ako sa kanya eh, hindi maiwasang magkaroon ng glitters-glitters effect sa maganda niyang mukha..”hay Dr. House ng buhay ko! Simula noong hayskul, ikaw lang talaga! Hay….”
Dahil sa kakapantasya ko eh, hindi ko namalayang naapprove niya na pala yung letter ko. Bigla namang pumasok yung front desk secretary niyang si VANESSA BURTON, na sa tingin ko’y nagpapantasya rin sa kanya, kaya umalis na ‘ko pagtapos kong mag-thank you.
Grabe!hindi ko akalaing magagawa ‘to sakin ni Vanessa! Ansaket! Ansakit-saket!
Matagal-tagal na ‘kong nandito sa US at kahit papano eh natutuwa rin naman ako sa mga natutunghayan ko dito. Parang may reunion! Akalain mo ba naman kasing nakita ko dati sila AILEEN TOLOSA, GILEEN DEMAPENDAN AT JESSA MORES nung pumunta ako sa Las Vegas noon?- “We are the Amazons!” rinig kong sabi nila.
Nang pabalik na ko sa mansion ko, nagulat ako kasi may mga C.I.A. na sa tapat ng bahay ko! Natakot talaga ‘ko, hanggang sa nilapitan ko na kung ano ba talaga ang nangyayare.
“I’m sorry to break the news but blah blah blah…”
Hindi ko na naintindihan kung ano yung sinabi nung agent na nasa harapan ko. Pilit kong tinatanaw kung sino yung namatay sa tapat ng bahay ko.
“nako! Mukang mapo-pospone pa ‘tong biyahe ko sa ‘pinas ah!?”
“ma’am, Pilipino ka po?” sabat ng agent.
“oo,” napatingin bigla ako sa uniporme ng babaeng agent na yun. “Pepito”
Hala! Tinolang sinigang na pating!
“Tita Impy?!” nagulat akong malaman na siya pala si JERIZZA PEPITO. Siguro kaya hindi niya ko kilala eh dahil bising-bisi siya sa pag-iimbistiga ng mga kaso?! Hay, naabot niya na ang pangarap niya.
“namatay yung pusa ng kapitbahay mo dyan sa bakuran mo at gustong magdemanda ng may-ari.”
“Jerizza, I’ll call my lawyer ha? Magle-leave kasi ako eh. Ayokong mapostpone ang biyahe ko. Yang NOEL JALMASCO na yan talaga! Laging sinisira ang mga plano ko! Tignan mo oh! Akala ko tao na yung namatay, nag-hire pa ng mga taga-iyak para dyan sa pusa niya?! GRRRRR!!
Nang makapasok na ‘ko sa mansion ko, pinatawagan ko agad kay Edimae ang lawyer ko.
“ATTY. KARLA CID! Si Geneva may gustong ipaayos sayo..”
“okay I’m on my way now. Nabalitaan kong namatay ang kontrobersyal na tumatambling na pusa ni Mr. Jalmasco!”
Nang dumating na si Atty. Cid sa bahay, pinaliwanag ko na agad sa kanya kung ano ang gusto kong gawin niya sa nag-iinarte kong kapitbahay.
“Cid, kaya mo yan! Kaya nga ikaw ang hinire ko kasi alam kong loyal ka sa mga ideas mo eh! Mananalo tayo dito for sure!
“edimae, pag tumawag si Quentin Tarantino at yung manager ko, sabihin mo, i-skype na lang ako ha? Mamayang 11 pm ang byahe ko.”
Kinahapunan, nag-impake na ako at naghandang pumunta sa airport.
3
Papasakay na sana ako sa eroplano nang biglang may tumawag sa akin. Isang tinig na tila ba tunog ng kampana sa simbahan sa tenga ko. Si Dr. House pala yon!
“yes Dr. House? Sasabihin mo na bang huwag na lang akong umalis at gusto mong dyan na lang ako sa tabi mo, huh?”- iyan ang mga katagang namumuo sa isip ko habang papalapit na siya sa akin. Tuluyan na ngang nag-slow motion ang lahat at bigla kong narinig ang kantang, “’coz I’m leaving on a jetplane, don’t know…..”
“uhm, diba sa ‘Pinas ka? pwede bang pasuyong ibigay mo ‘to sa mama ko? Thanks!”
At nawala na siya. Walang hugs. Walang kisses. Pero ayos na rin yun! At least nasilayan ko siya!!
Pag-akyat ko sa hagdan tungo sa eroplano eh nagmistulang Ms. Universe candidates ang mga flight attendant doon. Salamat na lang dahil ang mga babaeng iyon ay nakasuot din ng nametag, si LIEZL NIEVA! Ang galing! Dahil siguro sa taglay niyang yaman sa tangkad at yaman sa bulsa kaya siya nakapasok dito sa American Airlines.
Habang nagte-take off na ang eroplano ay nilapitan ako ni Liezl at may kasama pa siyang isang babae! Hindi ko maalala kung anong pangalan niya pero nung pakantahin ni Liezl, “I do…”
“Nica?! NICAFLOR SALVO?!” siagw ko. Ang saya-saya talaga ‘apag nakakakita ako ng dating klasmeyt! Para silang mga talking time machine…
Nagkwentuhan kaming tatlo at nalaman kong iyon din pala ang eroplanong sinakyan ni JEMMEL VALE nung pumunta siya sa Pilipinas. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, biglang umalingawngaw ang malamig na tinig ng piloto. Unti-unti na sana ‘kong naiinlove sa boses nun kaso biglang sinabing, “this is PILOT ADRIAN ESMILLA at your service.”
Siguro kung hindi lang ako pinigilan nila Liezl na tumalon sa bintana eh, hindi na talaga ko makaklarating sa ‘Pinas?!
To be continued... :P