
Nung araw din nay un yung continuation ng report namen for GenPsych, at bale nung TFN pa lang eh, sinasabi na saken ni Nerline na wala daw syang dalang LaughTough, pano sa maling building pumunta yung maghahatid:P. So ako, mejo hindi pa ngarag nun kase, baka nga kahit pano eh, madeliver pa rin sa totoong building namen.
Tapos eh wala talaga. Nung Psych na, 10:30am, bale sabi namig kay Ma’am Norma, “ahm, pwede po bang after break na lang po kami mag-report? Kasi po mejo na-delay yung magdadala ng laptop eeh..”
Tapos buti na lang at nagtse-tsek pa si Ma’am ng booklets namen. Pero sa totoo lang huh, ngarag na ngarag na kame nila Nerline at Hannah nun, kase kelangan naming makuha ung Laptop, eh nasa Marikina Convention na yung maghahatid(kase may seminar din sila dun, bale idadaan lang sana sa skool namen ung LT). Tapos eh di yun, tinext na ni Nerline un.
Tapos, naisip namen na baka pwedeng hiramin ung LT ni Ma’am Kat! Kase meron nga siya.. So ayun, dali-dali kaming umakyat sa 3rd floor. Yesss! Andun pa sya! Unfortunately, hindi niya napahiram samen kasi may klase xa na section 2, as in nung time na na yun(at nasita pa kame ng secretary ng dean, kasi daw, bake tang haggard haggard na namen, nakaldlad na daw ung bangs..hehehe).
Kaya ayun. Bumalik na lang kami sa room.. “5-4-3-2-1, GO!” nagpaalam kami ni Hannah kay ma’am na kung pwede bang makikipag-meet na lang sila ni Nerline dun sa nagdala nung LT.. (pero ang totoo eh hindi talaga siguro alam ni ma’am na sa Bayan sila makikipag-meet:P)AMAZING RAAAAAAACE!!
TAKBBOOOOO!! Sigi hala! Lumarga na sila. Maya-maya eh, nagulat na lang ako at biglang sinabi n imam na, “you may take your break, and after 20 minutes, we’ll continue the reporting..”
“YOU MAY TAKE YOUR BREAK…”
“AFTER 20 MINUTES,….YOUR REPORTING..”
“AFTER 20 MINUTES…”
“20 MINUTES…”
“REPORTING…”
ANOHUWATBAKET?! Ranging 20 MINUTES?!?! May Golay! Takte na-shock talaga ko dun ah! Gravacious naman oh! Hala, ang akala namen kase, 12nn pa magbe-break, kaya ang sabi namen sa kanya, “after the break kame magrereport”!!
aba saba mangga! Eh di hinayaan ko na lang yung WonderPets na maglunch na.. at ako, ngarag na!
Hala tinext ko na sila Nerline na bilisan kasi nga, takteng yan, 20 mins na lang pala ang break!
Well ang balak ko kase kaya sinabi naming “after break kame magrereport” eh, dahil ‘pag nag-12 na, pwede na rin naming mahiram yung LT ni ma’am Kat diba? Kase lunch break na nga. Eh ang kaso, mga 11am pa lang nun! Kaawa-awa!
Eh di bumaba na lang ako nun. Hiniram ko na lang yung projector kay “SIR EDGAR” habang ngina-ngarag sila Nerline at Hannah sa text.
Pagpunta ko sa room 104, sabi ko, “good morning po, anjan po ba si SIR EDGAR??” tapos, nagtaka yung panagtanungan ko, tas sabi niya, “wala eeh..”
Hopeless? Akala ko.
Pinuntahan ko yung Wonderpets sa may canteen ng building namen, tinanong ko kung nakita ba nila si Sir Bong(yung nagche-check ng rooms) para tanungin kung asan ba si sir Allan.
Baka daw asa office of the VP, or nasa 104 lang yun. Tapos, maya-maya pa eh, nagpasama na ‘ko kila Faye at Shiela sa 104…
“ahm, ggu-goo-good morning po, anjan nap o si sir edgar?” sa mahinang boses..
“ha?”
“si sir allan po..” nilakasan ko na.
Tapos may nagsalitang lalake, “sino yung hinahanap mo kanina?”
“ahm, si sir Edgar po… ay si sir Allan..” tapos bigla silang nagtawanan,.
“sir Allan! Hindi Sir Edgar! Peot yown! Si EDGAR ALLAN POE! Nakkuu tong batang to…”
Tapos mejo na-relieve na ren, kase kahit na sinalo ko ang tambak-tambak na kahihiyan, eh, nahiram ko na rin sa wakas yung 60,000 pesos na projector. Ingat na ingat xempre, duh! 60,000!
Tapos, dahil wala pa nga sila nerline, pinauna ko na sila shiela sa taas.
Dun muna ‘ko nagstay sa canteen. Tinetext ko pa rin sila na 10 minutes na lang, bell na..
Ayun. Tas maya-maya, pumasok yung iba pang wonderpets na section 2 dun. Ayun, chikka chikka..
Pagdating nila nerline, AMAZING RACE ULLEEEET paakyat ng room! Nagmamadali xempre dahil kaka-bell lang nun eh.
Tapos, nung inoperate na, ambagal ng laughtough, OWWVHHHEERR!! Sampung taon, kaya lalo kameng kinabahan!
Antagal ioperate. Tapos para magamit xa with projector, kelangan ulit irestart. SAYA!
Tapos, nung ininsert ko ung flashdrive ko, “not recognized…” ANG SAYA!
Andun yung report namen, tapos, “not recognized.” Ang saya saya talaga, grrrraabe!
Hopeless. Akala namen.
Naalala ko yung peyborit sabihin ni Ma’am Kat, “DON’T LOSE HOPE!”
Kaya sabi ko sa kanila, “eh kung hiramin na lang naten yung laughtough ni ma’am Kat total, lunch pa naman oh?!?!?!”
Eh di yun, humarurot na kames sa taas.
Pinaliwanag namen kay ma’am na sandal lang naming gagamitin. Na hindi lang kase marecognize yung flashdrive ko sa LT ni Nerline..
SA WAKAS! Pinahiram niya na kame! Yehey!! This is iiiiitttt!!
Pero may rule si ma’am, “wag niong ire-restart dahil may password yan. Hindi nio na mabubuksan yan..”
Okay! Gora na kames a baba.
Pagdating namen dun, naka-ayos na yung lahat. Okay na yung projector na LT ni nerline.
Eh kaso nga, ayaw dun gumana ng flashdrive ko, kea sabi ko, tanggalin nila ulit para sa LT na lang ni Mam Kat ipe-present..
Kinabit na yung connector. Ansaya! Ayaw gumana! Walang lumalabas na projector! Wooh!
Tapos, sabi nila Charmaine at Marton, kelangan nga daw kasing irestart ung lt para gumana ung projector.. OO ANSAYA, MAGANDA YAN! Irestart huh, eh bawal ngang irestart yun dahil may password nga, oo ang saya saya talaga!
Naglelecture na si ma’am norma nun. Tapos eto pa huh, yung nile-lecture niya, yung topic
na nila Hannah! Kawawa!!!
Hopeless? OO! HOPELESS NA KUNG HOPELESS! Nakakainis!!
Nirestart ko ung laughtough ni mam Kat, assuming na ginu-gudtaym nya lang kame.. hehehe, eh ang kaso, hinde.. so another problem na naman kase, hindi na namen mabuksan.. wooh! Ang saya saya! Ayaw na ring gumana nung projector sa laptop ni Nerline.. party!!
Hopeless na hopeless. Walang nangyari dun sa pag-a-amazing race namen sa sk0ol.
Niligpit na lang namen ung lahat.
Lumabas ako kase anjan na si mam kat para sa laptop.
Kinwento namen ni nerline ung nangyare. Na hindi na lang kame magrereport, na narestart ko ung Lt niya. Hinatid na naming sila sa taas- nung naglalakad na kames a hagdan, biglang sabi niya,
“bakit hindi nio ginamit yung isang profile??”
“huh???”
“may isa pang profile yan, walang password.”
Hala talagang naewan kame nun! Grabe, parang gusto ko nang magpatihulog sa hagdan nung malaman-laman ko yun! Takteng yan…
Eh wala na ren. Parang ayaw talaga ni Tadhana na pag-report-in kame noh? Biruin mo, naambunan pa kame habang nag-aamazing race kanina? Tapos wala talaga?!?
Well, papel, lapel, ganun talaga.
Tapos, nautusan pa kame nila mam kat at ng sec. ng dean na bumili na acetone at kendi.
Pagbalik namen, nakita daw ni mam kat yung report namen. Ang haba daw.. “82 slides.. ang haba!”
Pagbalik namen sa room, busyng busy sila.. tinanong ko kumbaket at napag-alaman kong may quiz.
Oo may QUIZ! Q-U-I-Z. ang sssssaya!
So, we got tired for nothing. Wala kaming naintindihan sa lesson. At may quiz. Ang saya-
ssssaya!

No comments:
Post a Comment